Wednesday, January 28, 2009

SEVEN DEADLY SINS..(?!)



When i arrive from a very tiring day at work and
samahan pa ng pagkain at di pa nakontento at ngpa masahe pa pagkatapos...i dont think makakatulog pko sa mga kabaliwan ko.. kaya naisipan kung tumunganga sa computer at yon nkita ko ang isang blog na medyo interesting...im not sure if this all true pero read nyo lng at tamaan na ang tamaan...heres a blog by someone and just wanna share it here....


questions asked to my self and possible answers answered by my self. ang tawag dito, kabaliwan.

1. bakit may mga taong ginagaya ang ibang tao? big time.

-i will elaborate, for example, the idol-thing. or if someone saw a person wearing/doing/speaking things cool enough to be done by them. kaya ginagaya. they think it is cool for them, but sometimes, it isn't-------------most of the time pala.

-nakakabadtrip yung mga taong gaya-gaya. yung walang sense of imagination at kumokopya sa mga ideas ng ibang tao. okay lang sana gawing inspiration yung mga ginagawa ng ibang tao, but copying the whole thing is too much bull shit.

-i asked myself kung bakit kaya may mga taong ganito. and conclusions entered my mind. baka idol nila yung tao kaya ginagaya to the point na halos lahat na lang ng gawin ng isang tao ay kinokopya.. nye. nakaka-asar. o baka naman they ENVY them.

-hindi naman lahat ng pagkokopya ng ideas ay masama, for me, nagiging masama lang 'to pag sumosobra na, yung tipong sumasagad na ang kapal ng mukha sa estero ng dapitan. those people just don't respect the ideas shown by other people, lalo na pag they belong to a group.

-ano mararamdaman mo pag nagpakulay ka ng buhok sa bangs, at pagkatapos ng isang linggo, yung kasama mo sa trabaho is wearing the same color and the same hair style na meron ka. deym it. gusto mo siyang kalbuhin. di ba? you think i'm right? oo na, mali na ako. hahaha..


2. bakit may mga taong mahilig kumain ng sobra-sobra-sobra?

-
bias ang tanong na to kasi payatot ako. pero i think there is nothing wrong with over-eating. eh gutom ka eh, ano bang magagawa nila? insecure lang sila kasi wala silang pambili ng pagkain. haha. joke lang.

-may nagkwento sa akin na pinapag-diet ng nanay yung anak niya. ang sagot naman ng anak, "ma, minsan lang ako magiging bata, hayaan mo na ako kumain ng mga pagkain na gusto ko."

-edi ba kasalanan ang GLUTTONY? siguro kasalanan to pag masyado ka ng masiba, na naaaksaya mo yung pagkain, pagkumakagat ka ng cheese burger sa harap ng isang pulubi, o kaya pag busog ka na, tapos bumili ka pa ng malakaing pizza, for yourself. wahahaha.. ayaw mo mag-share. SAKIM! wahahaha...

-well, happy eating. magpaka-botchog tayo, kasi pag payat ka, madaming taong naghihinalang wala kang pambili ng pagkain at hindi ka pinapakain ng tama sa bahay niyo, o may bulate ang tiyan mo, o may AIDS ka, o nag-drodroga ka. lagi na lang kami ang biktima sa mga ganitong sitwasyon. wahahaha... joke lang.

3. bakit ang mga babaeng nababastos na nagsusuot ng provocative clothes ay nagiging masyadong emosyonal?

-
malamang emotional kasi na-abuso eh. whattttta question.

-
gawa naman tayo ng statement tungkol sa issue na to na panig sa aming kalalakihan. this was tackled to us during our Health class in HS, at binara ng isang kaklase, from our group ang babaeng nagsabi na bakit daw kami (mga lalaki) malilibog pag nakakakita ng sexy na babae.

-pero di ba, kung di kayo (mga babae) mang-aakit sa aming mga lalaki, hindi naman kami maaakit.

-oo, maganda ang mga tanawin pag may mga ganyang tao sa paligid, pero may mga taong mapagsamantala. malakas ang LUST sa katawan. pero hindi naman mababastos yung babae paghindi naman kabastos-bastos yung suot niya.

-ang disgrasya ay naiiwasan kung pag-iingat ay laging akay-akay. yown.

-pero, wala lang. pero wag niyo na isipin yung opinyon ko sa taas kasi alam ko, iba-iba yung opinyon natin dyan, at baka magkaroon ng away dito hahaha...

4. bakit may mga taong galit sa mundo na ginagawang hingahan ng galit ang internet?

-madalas namin napapag-usapan to ng mga HS friends ko. baka naman the internet is the extension of their ANGER, at gusto nilang ipaalam sa sanlibutan kung gaano sila nagagalit.

-may mga tamang lugar kung saan pwede i-post ang mga bagay, at may mga bagay na di na dapat pinapaalam sa buong sangkatauhan.

-baka wala silang friend na mapagsasabihan? siguro nga. pero nakaka-asar kasi pag sobra na. ok lang yung paminsan-minsan, o kaya madami kayong nakaka-relate, pero pag ikaw lang ang may galit sa mundo, mas mabuti sigurong wag ka na magpapansin at kumausap ka na lang ng kaibigan, na mapagkakatiwalaan, kung wala kang kaibigan, humingi ka na ng professional help sa isang counselor, at kung wala kang mahanap. KAUSAPIN MO ANG PADER!

-pero ano nga bang magagawa nten, may freedom silang gawin yun. gaya netong paglalabas ko ng kabadtripan sa kanila, pero alam ko sa sarili ko na hindi lang ako ang nakakaranas ng ganitong pagka-badtrip pag nakakakita ng ganoong bagay, madami kami. at para sa akin, kung may galit ka, mas mabuting kausapin mo na lang ng personal yung tao, wag mo idaan sa internet, kasi mukha ka lang baliw na papansin.

-pero hindi naman ako nababadtrip ng todo sa kanila, kasi ang korni nila eh.

-tama ba ako? o mali. wag lang sumobra, yun lang ang hinihiling ng nakakarami, (wahaha.. nakakarami daw oh? baka ako lang.. suportahan niyo naman tong statement ko..) kasi ang jologs ng nakikipag-away sa internet. ang jologs talaga. ang jologs. ang jologs. ang jologs. utak-kanal. (bakit utak-kanal? kasi ang kitid.)

5. bakit may mga taong tumitingin ng site ng may site ng naka logout.

-
baka wala silang multiply o friendster o kung ano pa man. baka natatakot silang makita nung user na viniew na yung profile/post. baka nahihiya siya sa user na pupuntahan niya. baka nakalimutan niya mag log-in. baka mataas ang PRIDE niya sa topic ng post at nahihiya siyang malaman na viniew ang post na yun (gets mo? para kasing ang gulo ng sinabe ko.)

-ako, nahihiya ako minsan tumingin ng site ng may site kasi feeling ko ang taas ng site na pupuntahan ko. yung iba yung level. nahihiya kasi ako kaya ganun, pero ngayon, lumalakas-lakas na ang loob ko. WAHAHAHAHA.

-pero mas gusto ng iba, gaya ko, ang viniview ang mga gawa nila at yung mga nagkokomento sa mga gawa nila. redundancy.


6. bakit may mga taong madami ng pag-aaring bagay pero gusto pa din makuha ang lahat?

-GREED.

-
oh baka naman hindi pa siya kontento sa buhay niya. ewan ko.

7. bakit inaabuso ang standing sa pamilya?

-
yung tipong ate o kuya ka, tapos kaya mo naman gawin yung isang bagay gaya ng pagkuha ng baso, tinidor, kutsara, pinggan, grater. can opener, pero inutos mo sa nakakabata mong kapatid o pinsan?

-sagot: katamaran.diyan pumapasok ang tinatawag na SLOTH.

-o baka pagod lang sila, o naglalambing. :)

-guilty pala eh.



walang perpektong tao, at minsan, masarap gumawa ng kasalanan.

this post is made out of pure boredom at ng utak ko.

pag tinamaan ka sa mga nakalagay dito, SAPUL. walang mintis.

HAHA. pero wala namang masama kung tinamaan ka dito. may mga bagay dito para sa sarili ko.

at may mga bagay dito na para maghayag ng kaalaman, o emosyon.

ano ang nasa isip ko kung bakit ko ginawa to? wala lang. tinatamad kasi ako sa bahay.

seryoso ba to? ewan ko.

7 deadly sins yan. mga kasalanan na nakakamatay.

at kung applicable ang pitong kasalanan na yan sa iyong sarili, mag-ingat ka. baka pag namatay ka, makita mo ang sarili mo na abo na, kung naniniwala ka sa tinatawag na kaluluwa.


No comments:

Post a Comment